Sunday, June 27, 2010

PNR

Nakasakay ka na ba sa PNR? Philippine National Railways for the uninitiated. Hindi siya kasing sikat ng MRT at LRT.

Mga ilang kaalaman tungkol sa PNR
-Mula Binan - Tutuban ang biyahe nito at 24 pesos ang pinakamahal na pamasahe
-Aircon at Ordinary ang mga tren
-Sobrang siksikan

sinasabe ko lang to kasi marame akong ipopost dito tungkol sa tren na yon... hehe. XD

Friday, February 5, 2010

Fact Sheet

Ni-release na sched namin!

Wahaha. Sampaloc ako. Aw.

Wala pa ata kame 10 doon? Lahat nasa The Fort na.

Tapos sales lang kame. Walang CSI.

Bakit kaya?

Kasi kulang ako sa skills?

O inaasar lang talaga ako ng PLDT?

Kasi yung The Fort lapet lang ng bahay namen eh.

Yung Sampaloc layoooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo.

Hindi lang yan.

Sched ko?

1:30 am.
2:00 am.
etc etc....

Makakabyahe ba ako nun?

Baka bago ako makarating sa site eh may nakatusok na na kutsilyo sa akin, hahaha.

Tapos kapag break na doon, bago mag Mini Stop may kanto muna na may mga sumisitsit.

TAKBO!!!!!!!!!!!!!

Aw.

Sabe nga nung ka-wave ko... "FACT SHEET!" Iba po basa. hahaha.

Goodluck na lang.

Tsk.

Sunday, January 31, 2010

Frigging Stupid Train

Bakit ko ba sinisisi yung PNR? Ako na nga yung nahuli?

Ako: Manong... ano po bang oras yung pang-gabing trip?
Manong Tiket: 6:10, ok ba bro?
Ako: Gotcha!

Kanina...

Ako: Whew wala pang tao! Aga ko naman! ^_^
Manang Tiket: Iho... Late ka. 5:42 yung tren. Kaalis lang nila.
Ako: KUSO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Waaah at iyon, kaya ako nandito ngayon at nag-ta-type ng blog na ito, dahil ako ay naiwan ni tren.(Habang tinatype ko to nagh-exit Mozilla!!! Rampage mode na sana ako kaso nasave ni Blogger to sa drafts... ASTIG! ^_^)

Back to topic...

KUSO!!!! Naiwan ako! Paano na ako makakarating sa Sampaloc?

Actually, nag-eexist talaga si 6:10 na trip. Inaantay ko lang siya dumating.

Bon Voyage!!!

^_^

Saturday, January 30, 2010

La pa sahod!

Antagal naman nila bago i-release salary namin. Hahaha.
6000 lang naman yun.
1st salary ko 6thou lang? Baka bad omen nato!!!! WAAAH!

Actually nakakatuwa tong 1st job ko.

Call Center.

Mantakin mo, hindi ka pa nagwowork eh kumikita ka na?

Bukas na kame mag-li-live calls(ewan bakit yun ang tawag eh nung mock calls buhay din naman kausap namen,hahaha.)

Sana maging maayus ang lahat!

10pm Sampaloc Manila.

Magtetren akong 6 sa Bicutan.

GOOOOOOOOOOODLUCK!

^_^

Thursday, January 28, 2010

Si Villar o si Gibo?

VS


Hanggang ngayon, hindi parin ako makapili kung sino sa dalawang ito yung iboboto ko, pero sa katunayan mas gusto ko kay Gibo. Bakit? Eh kasi wala lang. Joke. Ang katunayan niyan, gusto ko kasi ng tao na maasahan sa mga sakuna, e si Gibo ang may alas diyan. Kung ganun naman pala eh bakit hindi ko na siya iboto?

Eh kasi talo siya sa surveys, parang hindi nga ramdam pagtakbo niya eh. Kaya ako humantong kay Villar. Kahit may mga skandalo siya kabi-kabila, eh marame naman siyang proyekto. Ayun, at mataas siya sa pulso ng masa. Next to Noynoy.

Bakit hindi ko nalang iboto si Noynoy? Hindi kailangan ng Pinas ang isang tao na wala pang napapatunayan. Kung hindi lang namatay si Cory at Ninoy, tingin niyo, sasagi ba sa isipan ng bawat Pilipino na iboto siya bilang pangulo?

Yan kasi ang hirap sa mga Pinoy eh, laging naghahanap ng bayani. Ngunit ngayong panahon na to, hindi na bayani ang kailangan natin. Kailangan natin ng lider na mag-aahon sa atin sa kahirapan at itutungo tayo sa kaunlaran. Eh ano kung kurakot? Kung sa kanyang pangungurakot, e santambak na mabuti naman ang nagagawa niya sa Pilipinas, magrereklamo ka pa ba? Wala na ang mga tao na malinis ngayon at matalino. Hindi nagsasama yung dalawang bagay na yun. Kaya nga, sabi nila, choose between the lesser of the two evils. Kung uunlad naman tayo, go lang sa pangugurakot yung kung sino man yun. Pabuya niya na yun sa pag-aangat sa Pilipinas sa kahirapan.

Kung hindi lang tayu magsisisihan at imbes tayo ay magsumikap na ang mga kailangan ng bayan natin ang pagtalunan, sigurado uunlad tayo.

Yey!!!!!!!!!!(Nonsense post na naman hahaha.)

Yey! At last.

Hahaha. May tagalog blog na ako sa blogger. tatlo na blog ko.

Una Movies(english), tapos yung Music(english din).

Bakit ayaw ko nalang itagalog yung mga yun?

Syempre para kunware professional. Hahaha.

Tsaka kasi baka pag tinignan nung mge prospective client ko sabihin trashy ako.

Kaya eto, lahat ng tagalog dito ko popost! yey!!!!!!!!!!!!!

^_^